Maritime Security Awareness Training sa Port Management Office isinagawa sa Leyte

Courtesy: PPA
Nagsagawa ng 2 araw na Maritime Security Awareness Training ang Port Management Office Western Leyte/Biliran, sa Port Operations Building, Multi-Purpose Hall.

Courtesy: PPA
Layunin ng pagsasanay na magbigay ng dagdag na kaalaman at kahandaan sa mga banta ng seguridad sa loob ng pantalan.
Pinangunahan ito nina Port Manager Bernard Calledo at Acting Port Police Division Manager SPPI Kerstin Joy Duran.

Courtesy: PPA
Ang training ay nakatuon sa mga security personnel upang bigyan sila ng mga kinakailangang kasanayan para sa pagkilala, pagtugon, at pagsawata ng posibleng panganib sa seguridad, na naglalayong tiyakin ang proteksyon hindi lamang ng mga empleyado kundi pati na rin ng mga pasahero at port stakeholders.
Aldrin Puno