Dalawang umano’y fixer ng mga kaduda-dudang dokumento at government ID, arestado

0
Dalawang umano’y fixer ng mga kaduda-dudang dokumento at government ID, arestado

Arestado sa entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), PNP-CIDG at AFP, ang 2 suspek na sangkot sa pag-facilitate ng mga government ID at kaduda-dudang mga dokumento.

Ang mga naaresto na umano’y empleyado ng JRB travel and consultancy services na blacklisted sa Bureau of Immigration, ay nakilalang sina Rosalie Bolanos at Jaive Nobleta.

Nakuha sa kanila ang iba’t ibang ID mula sa iba’t ibang ahensya at mga kaduda-dudang dokumento gaya ng NBI clearance, passport at birth certificate.

Ayon kay PAOCC Executive Director Usec. Gilberto Cruz, miyembro ng mas malaking sindikato ang mga suspek na karaniwang naglalakad ng mga dokumento ng ilang mga foreign national na nais makakuha ng mga lehitimong dokumento

Kasama sa mga nakuhang dokumento ang kopya ng passport at birth certificate ng isang babaeng mukhang Chinese, na tila gaya umano ng mga dokumento ni Alice Guo.

Nag-aalok din umano ang mga suspek ng serbisyo para maalis sa blacklist ng Bureau of immigration, at nangangako na kaya nilang isalba ang mga indibidwal na nakasalang sa deportation

Dalawa sa mga nabiktima ng mga suspek ay personal na dumulog sa tangapan ng PAOCC.

Isa sa kanila ang umano’y nakuhanan ng mga suspek ng 900,000 pesos, habang ang isa ay nagbayad naman ng 1.1 million pesos kapalit ng pagpapalaya sa kanilang asawa mula sa kustodiya ng B.I.

Nasa kustodiya na ng CIDG ang mga suspek na nahaharap sa kasong robbery-extortion, usurpation of authority, estafa, at grave coercion.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *