Mga akusadong pulis sa P6.7B drug bust, naghain ng not guilty plea sa korte

Naghain ng not guilty plea sa Manila Regional Trial Court Branch 175 ang mga pulis na akusado kaugnay sa kontrobersyal na drug bust sa Maynila noong 2022, ng mahigit 900 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion.
Sa arraignment, tumanggi na magbigay ng plea ang kampo ni Police Master Sergeant Rodolfo Mayo, Jr., dahil sa may nakabinbin pa silang mosyon para ibasura ang kaso.
Dahil dito, ang hukuman ang naghain ng not guilty plea para kay Mayo.
Hindi naman nagbigay ng pahayag sa media ang mga abogado ni Mayo.
Itinakda ng judge ang pre-trial sa kaso sa Pebrero 14.
Moira Encina-Cruz