Mga senador nakukulangan sa P50 umento sa sahod para sa NCR workers

0

Nakukulangan ang mga senador sa P50 na umento sa sahod para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Senador Jinggoy Estrada, napapanahon ang anumang dagdag sahod pero hindi ito sasapat para makaagapay ang mga manggagawa sa tumataas na presyo ng mga bilihin.

Sabi ni Estrada, muli niyang ihahain ang panukalang batas para sa 100 pesos legislated wage hike.

Para naman kay Senador Bong Go, ang inaprubahang umento sa sahod ay kakarampot para tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga manggagawa laluna ang pagkain.

Napapanahon na rin ayon sa senador na isabatas ang 100 pesos legislated wage hike.

Ang panukala ay kabilang sa sampung priority bills na inihain ni Go matapos magbukas ang 20th Congress kahapon.

Ayon kay Go, “Bawat sentimo ay napakahalaga sa ordinaryong manggagawa, kaya dapat taasan na po ito. Kulang yung P50 sa NCR sa totoo lang. Susuporta ako sa wage hike.”

Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *