Panalo ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, iniaalay niya kay dating pangulong Rodrigo Duterte

0
0526_07

Sen. Ronald Dela Rosa / Photo: Senate

Kay dating pangulong Rodrigo Duterte iniaalay ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, ang kaniyang pagkapanalo sa katatapos na eleksiyon.

Sinabi ng senador, “Kung makakausap ko sana siya ngayon, may pagkakataon na makausap ko sya, sasabihin ko, ‘Sir, yung panalo ko sa eleksiyon na to, I dedicate this to you’.”

Ayon kay Dela Rosa, nagpapasalamat siya sa dating pangulo na itinuturing niyang ama, dahil ito ang humubog sa kaniyang karera mula sa pambansang pulisya hanggang sa pulitika.

Ayon sa senador, hanggang ngayon ay nagluluksa siya sa ginawang pagpapatapon sa ibang bansa sa dating pangulo.

Aniya, “Hanggang ngayon nagluluksa ako sa kinasapitan ng mahal na pangulo, I consider him as a father, parang ama ko na rin, sa early stage ng aking career. Pagka-graduate ko sa PMA, siya ang tinitingnan ko sa career ko, nahubog ako under his guidance, malungkot tayo.”

Bagama’t hindi pa raw niya personal na nakakausap ang dating pangulo, naiparating na ni dating executive secretary Salvadoe Medialdea ang naging resulta ng halalan at pagpasok ng lima sa mga ikinampanyang kandidato ng PDP-LABAN, at masaya ang dating pangulo.

Umaasa pa rin aniya sila na makalalaya ang dating pangulo para makauwi na ng Pilipinas.

Sabi ni Dela Rosa, “Whatever the consequences, umaasa pa tayo pinagdadasal na sana makauwi na sya sa ating bansa, sana bigyan sya ng magandang health, maka-survive siya sa kayang sitwasyon doon.”

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *