Singil sa kuryente bababa ngayong Mayo – MERALCO

Bababa ang singil ng Manila Electric Company epektibo ngayong Mayo.

Sa panayam ng Liwanagin Natin sinabi ni MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga, bunsod ito ng mababang generation charge at pagbaba ng halaga ng kuryente sa mga supplier.

Dalawamput siyam na sentimo (p0.29) ang magiging bawas sa kada kilowatt hour na konsumo ng kuryente o katumbas ng 58 pesos sa kumukonsumo ng 200 kilowatt hour, 87 pesos sa mga kumukonsumo ng 300 kilowatt hour at 145 pesos sa mga kumukonsumo ng 500 kilowatt hour.

“ Inanounce nga po namin na mayroong decrease ngayong buwan ng Mayo and hopefully magandang balita po ito bagamat maraming presyo ng commodities at mga bilihin ang tumataas. ito namang presyo ng kuryente ay bumaba naman”. – Zaldarriaga

Kasabay nito umapela sa publiko si Zaldarriaga , na ugaliin pa rin ang pagtitipid ng kuryente sa kabila ng inaasahang pagbaba ng singil sa electricity bill.

“Kung bumaba ang presyo ng kuryente subalit sobrang taas naman ang paggamit natin medyo may impact din yan sa bills natin. so yung matalinong paggamit lagi kung namang binabanggit na energy efficiency needs to continue practicing that”. – Zaldarriaga

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us: