Presyo ng bigas sa mga pamilihan, hindi kontrolado ng NFA

Tali pa rin ang kamay ng National Food Authority para kontrolin ang pagtaas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Ayon kay Marietta Ablaza, Spokesperson ng NFA, masyadong manipis ngayon ang buffer stock ng bigas dahil halos labing pitong (17) porsyento lamang ng ani ng mga magsasaka ang kanilang nabili.

Sa ngayon anya ay umaabot lamang sa labing limang (15) araw ang buffer stock ng bigas ng NFA.

Sinabi pa ni Ablaza na kalimitang ginagawa nila kapag tumataas ang presyo ng bigas ay maglabas ng maraming suplay ng bigas sa mga pamilihan para mapatatag ang presyo nito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *