Pag-abswelto kay Napoles pinangangabahang gamitin laban sa oposisyon

Nangangamba ang oposisyon sa Senado na gagamitin ng Duterte administration ang tinaguriang pork barrel queen na si Janet Napoles para i-harass ang mga kritiko ng administrasyon.

Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, nakakabahala na gagawing state witness ng gobyerno si Napoles gayong ito ang itinuturong mastermind sa bilyun-bilyong pisong anomalya sa PDAF scam.

Iginiit ni Hontiveros na hindi dapat ituring na bayani si Napoles dahil sa panloloko sa taumbayan nang isagawa ang multi billion scam.

 

Apela naman ng Senadora kay Pangulong Duterte, hindi dapat balewalain ng gobyerno ang katotohanan at hustiya para lamang sa aniyay political vendetta.

Nauna nang naghayag ng pagkabahala ang mga krtiko ng administrasyon na maaring makaapekto lalo na sa Justice system ng bansa ang pagkaka-abswelto kay Napoles.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *