Siyam patay hindi bababa sa 13 sugatan sa mga insidente ng karahasan sa kasagsagan ng eleksyon kahapon

0
photo_2025-05-13_15-27-58

Umabot sa 15 mga insidente ng karahasan ang naitala ng Philippine National Police (PNP), sa kasagsagan ng eleksyon sa buong bansa kahapon.

Aa naturang mga insidente, 9 ang namatay habang hindi bababa sa 13 ang nasugatan.

Pinakamarami sa mga namatay ay mula sa Bangsamoro Region na may 5, 2 sa Negros Island habang tig-isa sa Davao Region at Zamboanga.

Lahat ito ay ikinukonsidera bilang suspected election related incident, at kasalukuyang sumasailalim sa validation ng security sector.

Samanatala base rin sa National Election Monitoring and Action center, 100 percent nang natapos ang eleksyon sa buong bansa hanggang ika-12 ng hatinggabi.

Pinakahuling natapos ang eleksyon sa bayan ng Datu Odin, Sinsuat, Maguindanao del Norte dahil sa delay nang pagsisimula ng eleksyon kahapon.

Samantala, umabot sa 40 insidente ng vote buying ang namonitor ng PNP, kung saan 40 ang naaresto habang 22 pa ang tinutugis.

Labing-isa naman ang naaresto sa paglabag sa money ban, habang 232 ang inaresto dahil sa paglabag sa liquor ban na nagtapos kaninang hatinggabi.

Mar Gabriel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *