SPD nakiisa sa sabay-sabay na paglulunsad ng intensified at recalibrated police visibility sa NCR


Courtesy: SPD PIO
Nakilahok ang Southern Police District (SPD) na pinamumunuan ni Brigadier General Joseph Arguelles, Acting District Director, sa sabay-sabay na paglulunsad ng Intensified and Recalibrated Police Visibility sa buong National Capital Region (NCR), sa ginanap na seremonya sa SPD Grandstand, Lawton Avenue, Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.

Courtesy: SPD PIO
Ang kaganapan ay dinaluhan ng mga tauhan ng SPD, force multipliers, barangay partners, community volunteers, at grassroots peacekeeping, habang ang central launching program naman ay ginawa sa NCRPO Grandstand sa Camp Bagong Diwa.
Ang SPD ay sabay-sabay na naglunsad ng sarili nitong localized na ceremony, sa pinag-isang layunin na palakasin ang presensya ng pulisya at palakasin ang tiwala ng publiko sa antas ng distrito.

Courtesy: SPD PIO
Ang inisyatibang ito ay nagpapatibay sa layunin ng AAA Program ng NCRPO na (Able, Active, Allied), na nakatutok sa proactive policing, mas malakas na pakikipagsosyo sa komunidad, at pinahusay na visibility bilang isang strategic deterrent laban sa kriminalidad
Archie Amado