Nanonood ng parada sa UK, inararo ng isang sasakyan, dose-dosena nasaktan

0
photo_2025-05-27_13-40-34

A fan is assisted by firefighters at an incident involving a car hitting supporters during the Premier League victory parade for Liverpool Football Club on May 26, 2025. / Lee Smith/Action Images via Reuters

Inaresto ng UK police ang isang lalaki na sumagasa sa sa mga nanonood sa Liverpoll Club Premier League trophy parade, kung saan dose-dosenang katao ang nasaktan kasama ang apat na bata.

Ayon sa pahayag ng Merseyside police, “The man arrested is a 53-year-old white British man from the Liverpool area.” Kasabay ang paghimok sa publiko na huwang mag-speculate sa mga sirkumstansiya ng insidente.

Sinabi ni North West Ambulance Service NHS Trust David Kitchin, na kabuuang 27 katao ang dinala sa ospital, dalawa rito ay isang bata at isang adult na nagtamo ng serious injuries.

Apat katao naman na kinabibilangan ng tatlong adults at isang bata ang kinailangang alisin mula sa ilalim ng nanagasang sasakyan, ayon sa fire chief officer ng Merseyside Fire nad Rescue Servicena si Nick Searle, habang 20 iba pa aniya ang ginamot mismo sa pinangyarihan ng insidente dahil sa minor injuries.

Emergency services at the scene after multiple people were hit by a car during the Victory parade, May 26, 2025, in Liverpool, England. / Phil Noble/Reuters

Sinabi ni Merseyside Police Assistant Chief Constable Jenny Sims, ang nangyari ay hindi itinuturing na isang terorismo, at ang lalaking inaresto ay pinaniniwalang driver ng nanagasang sasakyan.

Nangyari ang insidente habang ang lansangan ng siyudad ay puno ng soccer fans na dumalo sa isang open-top bus parade, upang ipagdiwang ang 20th Top-Flight League title ng Liverpoll Football Club.

Sa video na ibinahagi sa social media ay makikita ang sasakyan na umararo sa mga nagse-celebrate na pedestiran na nasa lansangan.

Ang parada na kasabay ng isang hiwalay na pampublikong holiday ng Mayo sa UK, ay kinatatampukan ng mga manlalaro mula sa Liverpool squad na ipinaparada sa paligid ng sentro ng lungsod sakay ng isang open-top na bus.

Daan-daang libong nagkakasayang mga tagahanga ang nakiisa sa pagdiriwang sa kahabaan ng sampung milyang ruta (16 kilometro), habang iwinawagayway ang mga bandila at nagpakawala rin ng kulay pulang flares.

Emergency services at the scene on May 26 after multiple people were hit by a car during the Liverpool Victory Parade in Britain. (Phil Noble/Reuters)

Sinabi ni UK Prime Minister Keir Starmer, “The scenes in Liverpool are appalling – my thoughts are with all those injured or affected. I thank the police and emergency services for their swift and ongoing response to this shocking incident.”

Sa footage na ibinahagi ng Reuters news agency, makikita ang emergency services na tinutulungan ang mga tao, ang ilan ay binuhat nila papunta sa mga ambulansiya gamit ang stretchers.

Makikita naman sa mga larawan ang mga awtoridad habang kinokordon ang kalsadang puno ng tao, habang nag-immbestiga ang mga pulis. Nagtayo rin ng tent kung saan naganap ang insidente.

Sinabi ng Liverpool Football Club na nakipag-ugnayan na sila sa Merseyside Police kaugnay ng insidente sa pagsasabing, “Our thoughts and prayers are with those who have been affected by this serious incident. We will continue to offer our full support to the emergency services and local authorities who are dealing with this incident.”

Maging ang Everton Football Club, ang local rival team ng Liverpool FC, at ang Premier League ay nagpaabot na rin ng pakikiramay sa mga nasaktan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *