310 naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ng 310 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,838,032 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 9,321 ang aktibong kaso.

May 227 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,777,661 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid-19 dito sa bansa.

May 69 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 51,050 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, may 2 laboratoryo ang hindi operational noong December 22, habang may 5 laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Madz Moratillo

Please follow and like us: