New COVID-19 cases, umakyat sa 889

Nakapagtala ng 889 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of health ngayong araw.

Sa kabuuan , umabot na sa 2,839,790 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito 10,418 ang aktibong kaso.

May 214 na naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,778,131 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19.

May 28 namang naiulat na nasawi , kaya umabot na sa 51,241 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa D-O-H… may 2 laboratoryo ang hindi operational noong December 27, habang may 1 laboratoryo lamang ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 document repository system.

Please follow and like us: