34,021 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa ngayong araw

Muli na namang nakapagtala ng pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 ang bansa na umabot sa 34,021.

Sa Datos ng Department of Health , sa ngayon ay umabot na sa 3,092,409 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID- 19 naitala sa bansa.

Aang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon ,nasa 237,387 na.

May 4,694 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,802,286 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 82 namang naiulat na nasawi ,kaya umabot na sa 52,736 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 11, habang may 7 ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID- 19 repository system.

Madz Moratillo

Please follow and like us: