Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, muling tumaas sa 32,246

Muli na namang nakapagtala ng pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa na umabot sa 32,246.

Sa datos ng Department of Health , sa ngayon ay umabot na sa 3,058, 634 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon, nasa 208,164 na.

May 5,063 namang naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 2,797,816 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa .

May 144 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 52,654 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 10, habang may 11 ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Madz Moratillo

Please follow and like us: