Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, pumalo sa 37,207 ngayong araw

Naitala ng Department of health ang pinakamataas na daily COVID-19 cases sa bansa ngayong araw na umabot sa 37,207.

Sa datos ng Department of health , sa ngayon ay umabot na sa 3,129,512 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Aang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon, nasa 265,509 na.

May 9,027 namang naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 2,811,188 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID- 19 dito sa bansa.

May 81 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 52,815 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 12, habang may 8 ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: