379 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH

Nakapagtala ng 379 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,836,200 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 11,905 ang aktibong kaso.

May 631 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,774,334 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid-19 dito sa bansa.

May 25 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 49,961 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Inihayag ng DOH sa 25 deaths na ito , 5 lang ang ngayong Disyembre 6, 6 noong Nobyembre , & noong Oktubre , 5 noong Setyembre at tig-isa naman noong Agosto at Hunyo.

Madz Moratillo

Please follow and like us: