402 bagong kaso ng Covid-19, naitala ng DOH ngayong Linggo

Nakapagtala ng 402 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,836,592 ang kaso ng COVID-19 sa bansa na may 11,255 aktibong kaso.

Samantala, mayroong 509 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,775,057 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid-19.

May 184 namang naiulat na bagong nasawi, kaya umabot na sa 50,280 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa virus infection.

Please follow and like us: