DOH nakapagtala ng mababang kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ang Department of health ng mababang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

Ayon sa DOH nasa 235 na lamang ang bagong kaso ng COVID-19 na kanilang naitala, kaya aabot na sa 2,836,868 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito 10,526 ang aktibong kaso.

May 780 na bagong gumaling , kaya naman uamabot na sa 2,775,991 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus.

May sampu namang napaulat na nasawi kaya umabot na sa 50,351 ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa COVID -19.

Please follow and like us: