5 katao sugatan sa nangyaring karambola sa Mambusao, Capiz,

Limang tao ang sugatan matapos magbanggaan ang 2 closed van sa Barangay Tugas Mambusao, Capiz.

Sugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Rene Boy Dalipe 37 taong gulang ng barangay Naslo Pototan Iloilo (driver ng closed van) at si Juan Apsay 60 anyos na nakatira sa nasabing lugar.

Kabilang din sa mga sugatan si Roger Soldano na taga Marikina at ang helper nito n a si Leonardo Insoy.

Matagal na nailabas si Leonardo sa front seat ng closed van dahil sa pagkakatupi ng unahan ng van.

Batay sa imbestigasyon ng Mambusao PNP, nagmula sa Iloilo patungong Caticlan ang closed van na minamaneho ni Soldano, pagdating nito sa National Highway ng Tugas ay nawalan ito ng kontrol sa manibela na naging dahilan naman ng pagkakabunggo nito sa isa pang closed van na minamaneho ni Dalipe.

Dahil sa lakas ng banggaan ay tumama pa sapuno ang closed van na minamaneho ni Dalipe.

Nadamay sa aksidente ang isang tricycle na nakapark lamang sa lugar at si Sulpicio Longares na tinamaan naman ng ilang parte ng truck.

Ulat ni Neal Flores

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *