Surigao del Norte, tumanggap ng parangal mula sa DOH

Tumanggap ng parangal mula sa Department of Health ang lokal na pamahalaan ng Surigao del Norte bilang pagkilala sa kontribusyon ng naturang lalawigan sa larangan ng kalusugan .

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng health plus agenda ni Governor Sol F. Matugas.

Patuloy ang libreng check up para sa mga residente na may mga karamdaman .

Naglagay rin ng out patient department ang lalawigan sa Surigao city para matugunan ang pangangailangn ng mga gustong magpa check up.

Nagkaroon ng pamamahagi ng libreng eyeglasses sa mga estudyanteng nangangailangan, bilang bahagi ng pangangalaga sa paningin ng mga mag-aaral sa naturang lugar.

Kasabay ng okasyong ito ay ang memorandum of agreement sa pagitan ng Department of Health, Vicente Sotto Memorial Medical Center at ng Surigao del Norte.

Layunin ng kasunduang ito na palawakin ng maayos at maibigay ang mahusay na serbisyo para sa mga residente sa buong probinsya.

Ulat ni Jabes Juanite

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *