5,675 bagong mga kaso ng Covid-19, naitala ng DOH ngayong Sabado

Umabot na sa 49,968 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 5,675 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 7,552 naitalang bagong gumaling.

May 96 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 25,816 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,467,119 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,391, 335 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: