DOJ magtatalaga ng 5 panel of prosecutors na hahawak sa inquest sa maarestong Maute members at iba pang terorista

Limang panel of prosecutors ang itatalaga ng DOJ para humawak ng inquest proceedings sa mga maaarestong myembro ng Maute Group, Abu Sayyaf Group at iba pa na sangkot sa kaguluhan at rebelyon sa Marawi City.

Sinabi Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang bawat panel ay bubuuin ng limang piskal na magmumula lahat sa Mindanao.

Sa Iligan City isasagawa ang inquest proceedings dahil doon din iniutos ng Office of the Court Administrator ng Korte Suprema na mag-operate pansamantala ang mga korte ng Marawi city.

Ayon sa kalihim, marami nang hinihinalang dawit sa gulo sa Marawi ang naaresto at kinakailangang maisalang sa inquest sa loob ng tatlong araw kaya kailangang mabuo agad ang lupon ng mga piskal.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *