8,735 bagong mga kaso ng Covid-19, naitala ng DOH ngayong unang araw ng Agosto

Pumalo na sa 1,597,689 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health ng karagdagang 8,735 na mga kaso ngayong Linggo.

Ayon sa DOH, naitala naman sa 63,646 ang aktibong kaso.

Samantala, nakapagtala rin ng bagong 5,930 na mga gumaling sa karamdaman kaya pumalo na sa 1,506,027 ang kabuuang nakarekober sa virus infection.

Mayroon din 127 na bagong mga pumanaw kaya umakyat na sa 28,016 ang death toll ng bansa sa Covid-19.

Please follow and like us: