DOH, nakapagtala ng karagdagang 8,167 Covid-19 cases; Higit 9,000 mga bagong gumaling, naitala rin

Pumalo na sa 1,605,762 ang kabuuang bilang ng mga Covid-19 cases sa bansa na may 62,615 na aktibong kaso.

Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health ng karagdagang 8,167 mga kaso ng virus.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 9,095 na karagdagang gumaling sa karamdaman kaya umakyat na sa 1,515,054 ang kabuuang mga nakarekober.

Mayroon ding naitalang bagong 77 na oumanaw kaya umakyat na sa 28,093 ang death toll ng bansa sa Covid-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: