Bagong Prime Minister ng Haiti, nanumpa na
Nanumpa na ang bagong Prime Minister ng Haiti na si Ariel Henry dalawang linggo matapos ang asasinasyon ni Haiti President Jovenel Moise.
Si Henry ay una nang itinalaga ni Moise bilang Prime Minister ilang araw bago ang kaniyang asasinasyon.
Magugunitang matapos mapaslang ang Presidente , idineklara ni Acting Prime Minister Claude Joseph ang ” State of Siege” at idineklarang siya ang kasalukuyang in-charge sa gobeyerno.
Nagdulot naman ito ng “Power tussle ” sa nasabing bansa.
Kaya sa kaniyang panunumpa sa puwesto, sinabi ni Henry na kaniyang bibigyang prioridad ang pag-papanumbalik ng kapayapaan at seguridad sa kanilang bansa .