COVID-19 cases sa bansa , umakyat na sa 404,713

Pumalo na sa 404,713 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa. Pero sa bilang na ito, 34 058 lamang ang aktibong kaso.

May 1,902 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Cavite na may 122 new cases, Davao City na may 113 new cases, Quezon City na may 84 new cases, Bulacan na may 81 new cases, at Maynila na may 78 new cases.

May 506 naman na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 362, 903 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 31 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,752 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: