COVID- 19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 568 libo

Umakyat na sa 568,680 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 32,437 lamang ang aktibong kaso.

May 2,269 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 738 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 524,042 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 72 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,201 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: