AFP bumuo ng board of inquiry na mag-iimbestiga sa palpak na airstrike sa Marawi City

Agad bumuo ng board of inquiry ang Armed Forces of the Philippines na mag-iimbestiga sa pagkasawi ng labingisang sundalo at pagkasugat ng pitong iba pa matapos magsagawa ng airstrike ang Philippine Air Force sa Marawi City.

Inatasan ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año si Major General Rafael Valencia na pamunuan ang nasabing  board of inquiry.

Ayon kay Año, pinag-aaralan na ng kanilang hanay na huwag nang gumamit ng SF-260 na eroplano pero depende pa ito sa resulta ng gagawing imbestigasyon.

Gayunman sinabi ni Año na tuloy pa rin ang paggamit ng air at naval assests ng militar para tuluyang mapulbos ang Maute group.

Nakalulungkot ayon kay Año na nangyari ang naturang aksidente.

Tiniyak din ni Año na hindi na mauulit ang naturang insidente.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *