Palpak na “ Friendly Fire” na ikinamatay ng 11 sundalo sa Marawi, nais pa-imbestigahan ng Senado

Ipinarerepaso ng liderato ng Senado ang patakaran sa mga military operations.

Ito’y matapos mapatay sa airstirke ng militar laban sa Maute group ang labing isang sundalo.

Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, bagaman nangyayari sa mga bakbakan ang friendly fire, isang malaking dagok ito sa militar.

Nais naman ni Senador antonio Trillanes na pa-imbestigahan ang isyu.

Ayon Trillanes, nangyari ang trahedya sa panahon na sinasabi ng AFP na nananalo na ang pamahalaan sa giyera kontra sa teroristang Maute.

Umaasa ang Senador na hindi na mauulit ang malagim na pangyayari at nagtitiwala sa AFP na maimbestigahan ang insidente.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *