Anomalya ni dating Pang. Aquino sa Disbursement Acceleration Program o DAP nais kalkalin ni Pang. Duterte

Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na kalkalin ang anomalya ng Aquino administration sa Disbursement Acceleration Program o DAP.

Sinabi ng Pangulo na naiinis na siya sa ginagawa ng kanyang mga kritiko na gumagamit ng media hinggil sa kanyang umano’y tagong yaman.

Ayon sa Pangulo bakit hindi bungkalin ng media ang ukol sa DAP na inimbento ni dating Pangulong Aquino at dating Budget Secretary Butch Abad.

Inihayag ng Pangulo nais niyang malaman kung bakit tuloy-tuloy ang paggamit ng DAP ng Aquino administration sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na ito ay unconstitutional.

Idinagdag pa ng Pangulo na dapat magpaliwanag ang mga mambabatas na nakinabang sa DAP kung saan at paano nil ito ginastos.

Ulat ni : Vic Somintac

Please follow and like us: