Reklamo ni Rep. Alejano laban sa Pangulo balak na ipanik sa ICC

Matapos na maibasura ang isinampang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi pa tapos ang laban para kay MagdaloPartylist Rep. Gary Alejano.

Ayon kay Alejano, kukonsultahin niya ang kaniyang mga kapartido para dumulog  sa International Criminal Court .

Malabo na aniya silang makahingi ng saklolo sa Korte Suprema o Department of Justice kaya sa ICC na lang ang kanilang nakikitang paraan.

Inakusahan din ni Alejano ng  railroading ang House Justice Committee dahil minadali ang pagdinig sa kanyang reklamo.

Handa naman si Alejano na harapin sakaling sampahan siya ng Ethics complaint o perjury dahil sa kanyang paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte.

Kahit na humantong pa ito sa pagpapatalsik sa kanya bilang mambabatas ay nakahanda syang harapin ito.

Una rito, binalaan ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas si Alejano na possible itong masampahan ng Ethics complaint at perjury lalo na nang makwestyon kung authentic ba ang mga ebidesya nito laban sa Pangulo.

Ulat ni: Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *