Bagong mga kaso ng Covid-19 sa bansa, muling tumaas sa 7,217 ngayong Huwebes

Nakapagtala ang Department of Health ng 7,217 karagdagang kaso ng COVID-19.

Dahil dito pumalo na 1,247,899 ang kabuuang kaso ng Covid-19 kung saan nasa 55,790 ang aktibong kaso.

Samantala ay mayroon namang naitalang 3,483 na gumaling sa virus infection kaya pumalo na sa 1,170,752 ang kabuuang mga nakarekober sa sakit.

Mayroon ding bagong 199 na pumanaw kaya nasa 21,357 ang death toll ng bansa sa Covid-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: