Bilang ng mga naitalang bagong kaso ng COVID-19, umabot sa 9,227

Muling tumaas sa 9,227 ang naitala ng Department of Health na panibagong kaso ng Covid-19 ngayong araw.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang new cases kahapon na 7,379.

Dahil dito, pumalo na sa 962,307 ang kabuuang kaso ng virus infection sa bansa.

May naitala ring mga bagong gumaling sa sakit na nasa 19,699  kaya pumalo na sa 829,608 ang mga nakarekober sa karamdaman.

Habang may mga naitala ring 124  na bagong namatay kaya nasa 16,265 na ang death toll ng bansa sa Covid-19.

Please follow and like us: