Batangas, isinailalim na sa state of calamity matapos ang 5.5 magnitude na lindol
Isinailalim na sa state of calamity ang Batangas kasunod ng magnitude 5.5 na lindol na yumanig sa probinsya at mga karatig lalawigan kagabi.
Ayon kay Batangas Governor Hermilando Mandanas ibinatay ang deklarasyon matapos na ma-estimate ang mga pinsala ng lindol.
Kabilang sa mga gusaling napinsala ay ang Batangas Provincial Capitol Building, tinataya sa ₱18 million ang halaga ng pinsala sa nasabing gusali.
Kasabay nito ay sinuspinde na rin ang klase sa lahat ng antas sa probinsya para ma-inspeksyon ang mga silid-aralan.
Please follow and like us: