Bilang ng mga bagong kaso ng COVID- 19 sa bansa, umabot na sa 5,404 – DOH

Nakapagtala ng 5,404 bagong kaso ng COVID -19 ang Department of Health.

Dahil rito, umakyat na sa 626, 893 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 53,479 lamang ang aktibong kaso.

Mayroon namang 71 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 560,577 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 8 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,837 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: