COVID 19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 631 na libo

Nakapagtala ng 4,437 bagong kaso ng COVID 19 ang Department of Health.

Dahil rito, umakyat na sa 631, 320 ang kabuuang bilang ng COVID 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 57,736 lamang ang aktibong kaso.

Mayroon namang 166 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 560,736 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 11 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,848 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: