4,899 na bagong COVID-19 cases, naitala ng DOH

Umakyat na sa 621,498 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 48,157 lamang ang aktibong kaso.

May 4,899 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 13,371 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 560,512 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 63 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,829 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: