Bilang ng mga naitalang COVID -19 cases sa bansa, umakyat na sa 971,049

Nakapagtala ang Department of Health ng 8,767 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil rito, aabot na sa kabuuang 971,049 ang COVID cases sa bansa.

May 17,138 namang gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 846,691 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa virus.

Nakapagtala naman ng 103 na bagong nasawi dahil sa COVID-19.

Kaya naman , umakyat na sa 16,370 ang kabuuang bilang ng mga COVID nasawi sa bansa dahil sa virus.

Please follow and like us: