Brgy. Kagawad sa Lingayen pinagbabaril, patay

Patay ang isang Brgy. kagawad matapos itong pinagbabaril ng hindi nakilalang gunman sa Barangay Aliwekwek sa bayan ng Lingayen.

Ayon kay Police Chief Inspector Wilmer Pagaduan, Deputy Chief of Police sa Lingayen, alas 4:30ng umaga nakasakay sa motorsiklo ang biktimang si Kgd Alfredo de Sola, 49, residente sa nabanggit na Brgy., kaankas nito sa motorsiklo ang kanyang misis, hindi pa nakakalayo sa kanilang bahay nang ito ay pagbabarilin ng isang lalaki na nakasakay din sa isang motorsiklo.

Batay sa salaysay ng misis ng biktima na si Luisa, matapos marinig ang putok ng baril ay bumagsak silang mag-asawa sa kalsada, bumaba ng motorsiklo ang suspek at pinagbabaril nang malapitan si De Sola.

Anim na tama ng 9mm sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumama sa biktima na hindi na umabot ng buhay sa pagamutan.

Sa imbestigasyon, maaring dahil sa personal na alitan ang mitsa ng pamamaslang sa biktima.

Itinanggi ng PNP na may kinalaman sa Brgy. election ang pamamaslang sa biktima.

Ayon sa PNP ang biktima ay naharap sa kasong physical injury ngunit nakapagpiyansa at dito ngayon nakatuon ang imbestigasyon ng Lingayen Police Station.


Ulat ni Nora Dominguez

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *