COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 472,00

Umabot na sa 472,532 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 23,793 lamang ang aktibong kaso.

May 1,014 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 67 new cases, Benguet na may 57 new cases, Makati City na may 48 new cases, Bulacan na may 44 new cases, at Laguna na may 40 new cases.

Mayroon namang 518 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 439,509 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 68 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9,230 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: