COVID-19 cases sa bansa, umabot na sa 504,084

Pumalo na sa 504,084 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 27, 857 lamang ang aktibong kaso.

May 1,357 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 130 new cases, Rizal na may na may 71 new cases, Quezon City na may 66 new cases, Pampanga na may 54 new cases at Benguet na may 52 new cases.

Mayroon namang 324 lamang na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 466,249 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 69 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9,978 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: