COVID-19 cases sa bansa umabot na sa 576,000

Umakyat na sa 576,352 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 29,763 lamang ang aktibong kaso.

May 2,113 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 9,418 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 534, 271 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 29 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12, 318 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: