COVID-19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 578 libo

Umakyat na sa 578,381 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 31,708 lamang ang aktibong kaso.

May 2, 037 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 86 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 534,351 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 4 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,322 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: