COVID 19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 584,667

Umakyat na sa 584,667 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 37,226 lamang ang aktibong kaso.

May 2,542 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 266 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 535,037 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 15 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,404 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: