COVID- 19 cases sa bansa , umabot na sa mahigit 594 na libo

Umakyat na sa 594,412 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 36,043 lamang ang aktibong kaso.

May 3,276 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 10,516 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 545,853 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 51 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,516 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: