COVID- 19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 597 libo

Umakyat na sa 597,763 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 39,330 lamang ang aktibong kaso.

May 3,356 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 61 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 545,912 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 5 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,521 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: