COVID-19 cases sa bansa mahigit 600 libo na

Umakyat na sa 600,428 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 41,822 lamang ang aktibong kaso.

May 2,668 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 171 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 546,078 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 7 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,528 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: