COVID -19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 603,000

Umakyat na sa 603,308 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 44,470 lamang ang aktibong kaso.

May 2, 886 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 221 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 546,293 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 17 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,545 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: