COVID-19 cases sa bansa, umakyat na sa 409,574

Pumalo na sa 409,574 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 27,369 lamang ang aktibong kaso.

May 1,738 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 140 new cases, Cavite na may 117 new cases, Rizal na may 89 new cases, Laguna City na may 87 new cases, at Batangas na may 79 new cases.

Mayroon namang 45 lamang na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 374,366 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 7 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,839 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: